ZION TRADING & E-COMMERCE BUSINESS SOLUTIONS

ZION-6

We exist to Build Better Lives…

(Text & photos by Aimee Grace Anoc)

“ALAM niyo sa mundo ng negosyo maraming pera-pera pero gusto kong malaman ninyo na iba kapag kasama mo Siya sa negosyo. Madaling ma-tempt na gumawa ng mali para mas mabilis kumita pero alam niyo iba ang impact kapag si Lord ang nagbigay,” paglalahad ni CEO-President Margaux “Charmie” Tapiador, 28-anyos, sa pagsisimula niya ng negos­yong Zion Trading and E-Marketing Solutions.

Dahil sa pag-aasam ni Charmie na makatulong pa sa mas maraming taong gustong magnegosyo gamit ang “Online platform” napagdesisyunan ni-yang ibahagi ang kanyang karanasan at kaalaman sa Electronic Commerce sa pamamagitan ng isang negosyong makapagbibigay ng tulong, inspirasyon at pag-asa. Kaya nito lamang Sabado, Enero 25, ginanap ang pagbubukas at pagpapakilala ng kompanya na may temang “Rise of Zion” sa pangunguna ni Al Ian Barcelona, host at CAO/Managing Director ng AIB Training and Consultancy Corp. sa  5th Floor ng The Lord’s Flock Catholic Charismatic Community Cathedral sa West Avenue, Quezon City.

ANO BA ANG ZION?

ZION-3Bata pa lamang si Charmie ay hinubog na siya sa katuruan ng Diyos kaya naman sa pagtatayo ng sariling negosyo nais niyang naroroon pa rin ang gabay ng Panginoon at ginamit ang Zion bilang pangalan ng kanyang negos­yo. Ang salitang ito ay mula sa kasulatan na kumakatawan sa City of Jeru-salem kung saan naroon ang pangakong pagpapanumbalik ng pag-asa sa mga Hudyo mula sa pagkatalo at pagkawasak ng kanilang mga buhay at bansa matapos ang sunod-sunod na pananakop at pag-atake sa kanila noong panahon ng giyera. Gayundin, ang Zion ay kumakatawan sa “Mountain of God” ng pananampalataya ng Judeo-Christian na naglalarawan ng magandang buhay sa piling ng Diyos.

Nakamamanghang isipin na sa edad na 21 ay kumita na ng kanyang unang milyon si Charmie sa pamamagitan ng online business. Malayo man sa kanyang kursong nursing ipinagpatuloy ni Charmie ang kanyang entrepreneurial skills sa pamamagitan ng direct selling at MLM business noong 2011 at 2013.

Dahil sa lumaki sa hirap at siyang breadwinner ng pamilya, sinikap ni Charmie na matugunan ang panga­ngailangan ng kanyang pamilya. Kaya kahit na masakit sa kanyang kalooban ay iniwan niya ang kanyang propesyon at tahanan upang ma­ging “independent” dahil alam niya sa kanyang sarili na may kaya pa siyang gawin. Hindi naman siya nabigo at kumita ng kanyang unang milyon at ipinarehistro ang kanyang unang kompanya bilang Sole Proprietor. PowerBank ang unang produktong naibenta niya at mula sa kitang P1,500 hanggang sa maging P60,000 sa pagbebenta lamang on line. Nadagdagan pa ang kanyang mga ibinebentang produkto hanggang sa magmay-ari na siya ng maraming online stores sa iba’t ibang e-commerce plat-forms na siyang naging inspirasyon niya ngayon upang magtayo na ng sarili niyang kompanya na e-commerce business.

ZION-4Makakasama niya sa negosyong ito si Richard Gabriel Bonifacio na siyang Chief Operating Officer ng Zion kung saan matapos na masubukan ang iba’t ibang negosyo at makaipon ng 6 figure income ay nakapagdesisyon siya na hindi na malalayo pa sa pamilya at mag-e-commerce na lamang. Dito niya nakilala si Charmie na naging mentor pa niya mismo na tumulong sa pagtatayo ng Zion. Isa pa sa naging katuwang ni Charmie sa pagtatayo ng negosyo ay si Jonathan “Jojo” Torres bilang Chief Marketing and Sales Officer ng Zion. Kilala si Jojo sa mundo ng LML-Network Marketing Industry kung saan isa siyang consistent Leader-Achiever. Kahit na isa siyang “green card holder” at kaya nang manatili sa United States ay napagdesisyonan niyang bumalik sa bansa at tulungan si Charmie sa pagtatayo nito ng negos­yo dahil nakikita niya ang mas malaking vision para sa Zion.

ANO ANG E-COMMERCE?

Ang Electronic Commerce o online business ay isang platform ng online store kung saan ang digital marketing at advertising ang ginagamit na es-tratehiya upang maipakita ang iyong produkto at serbisyo. Ito ay isang multi-dollor business na nagbigay daan sa mga kilalang e-commerce businesses ngayon tulad ng EBAY, Amazon.com, Alibaba, Lazada at Shopee.

LAYUNIN AT MGA PRODUKTO NG ZION

Layunin ng Zion na maipakilala sa nakararami ang “Online” bilang paraan ng pagnenegosyo at maiangat ang pamumuhay ng Filipino.

Hindi lamang pagbebenta ng produkto at pagbuo ng sariling brand ang matututunan sa sinumang magsu-subscribe sa kanilang platform kundi mag-ing ang pagtulong sa kanilang komunidad para sa Kaluwalhatian ng Diyos.

ZION-5Sa halagang P7,995 ay magkakaroon ka na ng access sa beginners webinar, dagdag pa ang 5 days and 4 nights Boracay Tropics staycation at insur-ance sa loob ng isang taon.

Sa online platform na ito magkakaroon sila ng iba’t ibang produkto tulad ng health, beauty, travel, hotels, toiletries at marami pang iba. Sinisi­guro rin nila ang quality ng mga produktong kanilang ibi­nebenta at nasusunod ang SRP.

Ilan sa flagship products ng Zion ay ang kanilang NAX Tissue Glutathione na 4 times na mas mabisa kung saan inaalis nito ang dumi at dark spots at nagbibigay ng whitening effect at UV protection; ang NAX Tissue Colla; at Cher (water jelly serum).

Para sa inquiries tumawag lamang sa (02) 77460058; +639174362213 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.