SA TINDI ng competition sa comedy bars, nananatiling matatag ang Zirkoh Comedy and Music Bar ni dabarkads Allan K na nasa Tomas Morato.
Ang Zirkoh, ang most favorite na pagtanghalan ng mga baguhan singer kasi bukod sa maganda ang place ay tinatao talaga. Palibhasa madalas i-promote ni Allan sa Eat Bulaga ang kanyang comedy bar kaya plus point ito para madagdagan ang kanilang customer. Well, sa ilang beses na naming pagpunta sa nasabing venue, ay na-experience namin ang good service ng kanilang waiters at ang food talagang masarap.
Isa pang factor kung bakit successful si Allan K sa negosyo niyang ito kasi lahat ng empleyado niya at mga gay stand-up comedians ay nagsasabing mabait na boss ang komedyante na very considerate daw sa lahat ng bagay. Yes, kaya majority sa mga performer na ito ay hindi umaalis sa Zirkoh.
DONNY PANGILINAN BIG BREAK ANG PAGKAKASAMA SA ‘JAMES AND PAT AND DAVE’
SA MEDIACON ng Valentine movie offering ng Star Cinema na “James And Pat And Dave” ay nagbiro ang isa sa lead cast na si Donny Pangilinan na gumaganap na Dave na tutal ay wala raw siyang ka-loveteam ngayon ay puwedeng si Awra Briguela na kasama nila sa film ang maging ka-partner. “Puwede naman po si Awra sa akin. I don’t know hindi ko pa naisip but you know, I’m open.
“I’m open to working with people. It depends on the story as well. “But right now. I’m just focused on James and Pat and Dave.” Sabi pa ng Kapamilya heartthrob na itinuturing na biggest break ang pagkakasama sa pelikula na pinagbibidahan din ng reel and real sweethearts na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Sa nasabing presscon ay ibinuko pala ni Donny na kapag breaktime nila sa set ay sobrang sweet daw sa isa’t isa nina Loisa at Ronnie at sobrang in-enjoy raw nilang tatlo ang kanilang shooting.
Well, tulad ng naunang Vince and Kath & James na sina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie ang bida ay posibleng pumatok rin ang sequel movie nina Ronnie, Loisa at Donny na si Theodore Boborol pa rin ang director.
MGA BATANG TALENTADO NABIBIGYAN NG BREAK SA ‘HYPE KANG BATA KA’ SA EAT BULAGA
MARAMI tayong talented kids na nabibigyan ng pagkakataon ng Eat Bulaga na maipamalas ito on national television. Ang saya lang segment na ito na pati ‘yung mga hindi contestant ay nagpapakita rin ng kanilang talent sa pagkanta, sayaw, modelling etc. Pero, ang talagang kaabang-abang ay ‘yung pagpapakitang-gilas ng dalawang contestant araw-araw na pang America’s Got Talent ang dating.
Yes, hindi nagpapakabog ang mga ito sa professional acrobatics na tumatalon sa ere at ‘yung nagbi-beatbox na sobrang husay rin. Kaya naman maliban sa Bawal Judgemental ay patok ding segment sa EB ang Hype Kang Bata Ka, kung saan ang daily winner ay puwedeng manalo ng P20,000 cash. Very energetic and wacky ang mga host ditong sina Jose, Wally, Pauleen Luna, Pia Guanio at Ryzza Mae Dizon.
Comments are closed.