Tatlong linggong magbabakasyon si dating Senate President Juan Miguel Zubiri upang bigyan ng pagkakataon ang sarili ng “time to heal” matapos siyang mapababa ng kanyang mga kasamahan sa Senado at palitan ni Sen. Francis Escudero.
“All personal ‘yung aking pagbiyahe kasama ng aking pamilya. Konting me time, konting emotional and mental break from all the politics and the nasty backstabbing na nangyayari dito sa pulitika natin sa Pilipinas,” pahayag nito sa media.
“So kaya napapansin ninyo ‘di muna ako nagsasalita about saan kami pupunta… I’m on vacation mode for the next three weeks.”
Naka- break ang Kongreso hanggang sa joint session para sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo.
Hindi nagbigay ng anumang komento si Zubiri sa pag-amin ng Pangulong Marcos na alam nito ang pagpapalit ng liderato ng Senado at sinabing wala siyang kinalaman dito.
“No comment na lang ako diyan sa kanila bahala na sila, ang taumbayan ang humusga, ” ani Zubiri.
Nakatakdang mag-regroup sina Zubiri at mga kaalyado nito sa ‘Solid 7’ bloc pagkatapos ng break at pinag-iisipan kung mananatili silang independent bloc sa Escudero led Majority o lilipat sa Minority Bloc ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III.