Zubiri emosyonal na bumaba; Chiz Escudero bagong Senate President

Senator Chiz Escudero nanumpa na bilang bagong Senate President! Photo by Vicky Cervales

PORMAL nang nanumpa si Sen. Chiz Escudero na kapalit ni Sen. Juan Miguel Zubiri bilang Pangulo ng Senado.

Si Escudero ay ini-nominate ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Sinamahan si Escudero ng kanyang maybahay na si Heart Evangelista-Escudero sa kanyang panunumpa.

Sa kasalukuyan, labing apat na senador ang nasa mayorya habang sampu naman ang nasa minorya.

Samantala, si Sen. Jinggoy Estrada ay inihalal bilang president pro tempore habang si Sen. Francis Tolentino naman ang bagong majority leader.
Si Zubiri ay nagbitiw dalawang araw bago matapos ang ikalawang regular na sesyon ng 19th Congress.

Isang madamdamin na Zubiri ang nagbigay ng valedictory speech bago siya palitan ni Escudero.
Sinabi nitong magiging independent member siya ng Senado.

“I have given this job my all…Today, I offer my resignation as Senate President of the Republic of the Philippines, and upon stepping down I vow to serve as an independent member of the Senate—my allegiance, as ever, belonging to no one but the people,” pahayag ni Zubiri.

“I have never dictated my position to any of you, and I always supported your independence—which is probably why I face my demise today. I failed to follow instructions from the powers that be,” dagdag nito.

LIZA SORIANO