ZUBIRI NAG-DONATE NG PLASMA

NAG-DONATE na rin ng  kanyang plasma si Senate Majority Leader Juan Miguel  Zubiri sa  Philippine General Hospital (PGH) makaraan tuluyan nang gumaling sa corona virus disease (COVID-19)

Si Zubiri ang kauna-unahang public official na nagpositibo  sa COVID-19 ay tuluyan nang gumaling at nanumbalik na ang maayos kalusugan nito kaya nagpasiyang mag donate ng kanyang blood plasma.

“No approved cure for the virus exists as of yet, but medical experts are looking at the possibility of extracting COVID-19 antibodies from recovered individuals in order to finally come up with a treatment,” anang senador.

Matatandaang nanawagan ang PGH sa COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo para sa mga pasyenteng malala na ang kalagayan.

Sinasabing ang dugo o plasma ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ay mayroon nang antibodies na panlaban sa naturang karamdaman.

“I was very lucky to have recovered with no complications,”But that is not the case for many other patients, whose bodies are less prepared to fight this disease. If plasma donations can help them in any way, then I am more than happy to offer mine,” giit ng Senador

Umapela rin siya sa mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 na mag donate rin ng kanilang plasma para matulungan  ang mga pasyenteng  may malala nang sakit dulot ng COVID.

“All of us healthier, perhaps younger people who have been blessed with full recovery from COVID-19—we need to go donate. It’s a fairly simple process, and you’ll be able to help so many people,”  pahayag ni Zubiri. VICKY CERVALES