POSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Senador Juan Miguel Zubiri.
Ayon kay Zubiri, noong huling araw ng sesyon noong Marso 11 ay nagdesisyon siya na mag-self quarantine matapos na magpositibo ang isa sa resource person na dumalo sa hearing sa Senado
Araw naman ng Biyernes nang magpa-COVID test ang senador at kahapon ay lumabas ang resulta kung saan ay positibo siya sa COVID-19.
Lumalabas na asymptomatic siya kaya nagpositibo sa COVID-19 kahit hindi nilalagnat o masama ang pakiramdam.
Nagpasiya siyang mag-self quarantine para na rin sa proteksiyon ng kanyang pamilya.
Maging ang dalawang bodyguard ni Zubiri ay hindi niya na rin pinapasok o pinadistansiya niya simula nang mag-self quarantine siya
“To my dear fellow Filipinos, my kababayans. It is with sadness that i announce that I am positive for COVID-19,” ani Zubiri.
Sinabi ng senador na nakatanggap siya ng tawag mula kay DOH Sec Francisco Duque III at kinumpirma ang kanyang kondisyon sa COVID-19.
“My heart sank with what he had said but Im uplifted with the fact that I am asymptomatic and have no fever or cough nor am i weak or have any headaches,” ani Zubiri
Sinabi ng senador na masyado naman siyang maingat at hindi lumalapit sa mga tao upang makaiwas sa COVID-19.
Aniya, pinananatili naman niya ang social distancing at sumunod sa ‘no handshake’ policy na ipinairal sa Senado subalit tinamaan pa rin siya ng COVID-19.
“Kaya ako lumantad at sinabi ko ang aking kondisyon upang malaman ng taumbayan na positibo kahit wala namang nararamdaman.”
” Importante at huwag lapitan ang iyong pamilya at maging kasambahay. Sa ngayon ay paracetamol at vitamins lamang ang kailangan kong inumin. Kaya natin ito at laban lang,” ani Sen. Zubiri.
“Sa aking mga kababayan, makinig po tayo sa mga babala ng gobyerno at ‘wag na po kayong lumabas sa inyong mga tahanan. God bless us all,” dagdag pa ng senador. VICKY CERVALES
Comments are closed.