ZUMBARANGAY PILIPINAS ILULUNSAD NG PSC

william butch ramirez

NAKATAKDANG ilunsad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang nationwide exercise campaign na tinatawag na Zumbarangay Pilipinas na may original Filipino workout song “Igalaw Galaw Ating Katawan” sa Sabado.

“Once we get motivated to move our bodies, exercising can make a big difference; it changes our mood,” paliwanag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Layon ng sports agency na bigyang-diin ang kahalagahan ng physical fitness, lalo na sa panahong ito ng pandemya. Ang Zumba-ranggay Pilipinas project ay isang paligsahan ng  solo dance performance na isasagawa sa bahay o sa open space.

Kailangang i-record ng mga kalahok ang kanilang original dance exercise moves, na saliw sa “Igalaw Galaw Ating Katawan” na maaaring i-download sa website ng ahensiya sa psc.gov.ph o sa social media pages nito.

Ang workout music ay may therapeutic ability na gamutin ang physical, psychological, emotional, at mental issues tulad ng depression at anxiety.

Ang proyekto ay binuo sa ilalim ng “Women in Sports” program ng Commission na pinangangasiwaan ni Commissioner Celia Kiram.

“This contest is PSC’s campaign to raise awareness on the value of solo dance fitness workouts. We designed this to provide a recreational activity for women and girls given the alarming increase in the number of cases whose well-being has been negatively affected by the pandemic,” sabi ni Kiram. CLYDE MARIANO

One thought on “ZUMBARANGAY PILIPINAS ILULUNSAD NG PSC”

Comments are closed.