MALAKI ang pasasalamat ni coach Alvin Grey sa malaking tiwala sa kanya ng Nueva Ecija para maging head coach ng naturang lugar sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Nagsimula nang bumuo ng koponan si Grey para sa paghahanda sa pagbubukas ng liga sa June 12, 2019, kung saan ang founder nito ay ang butihing senador na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ang Nueva Ecija MI GUARD ay isa sa mga bagong team na nadagdag sa MPBL. Nais ni Senador Pacquiao na ngayong conference ay magkaroon sila ng teams na aabot sa 28 hanggang 30. Noong nakaraang 2nd season ay may 26 koponan na sila at ang SAN JUAN KNIGHTS ang nag-champion makaraang pataubin ang Davao Oriental.
Excited na ang team owner na si Mr. Noli Fernandez na founder ng Green Energy Container Solution, Inc. Si Mr. Fernandez ay tubong-Nueva Ecija. Ayon kay team manager Benjie Varella, Jr., gustong-gusto ni Mr. Fernandez na magkaroon ng team sa MPBL. May kakayahan naman ito at nais niyang suportahan ang kanyang bayan upang bigyan ng pagkakataon ang kanilang home growns at makilala ang kanilang lugar. Dadalhing monicker ng Nueva Ecija ang MI GUARD. Ito ay bagong tayong business ni Mr. Fernandez noong nakaraang taon. Ang MI GUARD ay parang rescuer ng Amerika na 911. Isang security alarm system ito na may panel (built-in battery and siren), IP camera, PIR motion sensor, door/window sensor, medical button, SOS/emergency button, smoke detector, gas detector, water leak detector, power adapter, etc. Sumali si Mr. Fernandez sa liga to promote his business at maging aware ang kanyang mga kababayan sa mga security alarm.
Regarding kay coach Alvin, tubong Nueva Ecija rin siya mula sa Cabanatuan. Pangalawa siya sa limang magkakapatid. Almost 9 years silang magkasama ni coach Pido Jarencio, naisama pa siya bilang asst. coach sa GlobalPort Batang Pier. Nagsimula sila ni Jarencio sa UST Growling Tigers. Naging asst. rin siya ni Jerry Codinera sa Arellano Umiversity.
Dati ring naging player si coach Grey sa Adamson, naging PBL player at MBA kung saan nakasama niya sina coach Eric Gascon, Willie Miller at Gary David
Hindi lamang may coaching experience si Grey kundi isa rin siyang basketball player. “Kaya nagpapasalamat ako kay Gov. Oyie Umali ng Nueva Ecjia, kay team owner Noli Fernandez sa tiwala na ibinigay nila sa akin, na ako ang kinuha nila,” ani coach Grey.
Sa nakikita naming, isang malakas na team ang Nveva Ecija. Ang coaching staff ay binubuo nina asst. coach Jake Codamon, Eric Castro, at Joben Ledesma. Sabi nga ni Mr. Ryan Ripalda, operation manager ng team, may laban sila bagama’t baguhan lamang sila. Pinaghalong bata at ex-pro ang kanilang mga player.
Pahayag naman ni team manager Benjie Varella, Jr., “Mai-inspire ang mga player namin dahil bawat pukol ng bola nila ay may katumbas cash or certificate.
Good Luck, NUEVA ECIJA MI GUARD!
Comments are closed.