1.4M BAKUNA NAITUROK NA SA MAYNILA

MAHIGIT na sa 1.4M bakuna ang naiturok sa Lungsod ng Maynila simula nang umpisahan ang mass vaccination program noong Marso nang taong kasalukuyan at may 824,920 katao na ang naturukan hanggang nitong Martes.

Sa pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, sa kabuuang bilang ng mga taong nabakunahan ay 80 porsiyento nito o 629,038 ay fully-vaccinated.

Sila ay kasamang bumubuo ng 1,065,149 residente na ang edad ay mula 18 hanggang 100 o yung nabibilang sa populasyon na kuwalipikadong mabakunahan.

Noong Hulyo 31 ang kabuuang bilang ng naiturok na bakuna sa mga indibidwal sa Maynila ay umabot sa 44,570 kung kaya’t pinasalamatan ang mga vaccinating teams kabilang na ang enco­ders pati na ang mga nagpapatupad ng kaayusan sa mga vaccination sites tulad ng mga opisyal ng barangay at mga kawani ng

Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Sa kabuuang mahigit na 1.4 million vaccines na naiturok sa lungsod 400,000 dito ay Sinovac doses na naiturok sa record na sa loob lamang ng apat na araw.

“Vaccination must be faster than infection,”ani Moreno at idinagdag din nito na ang mga Maniĺeño na bumabalik para sa kanilang second dose ay laging nasa 99 porsiyento.

Sinabi pa ng alkalde na sa Maynila ay maliwanag na gustong-gusto ng mga residente na magpabakuna upang makuha ang proteksiyon na ibi­nibigay ng bakuna para hindi mauwi sa severe o critical sakaling mahawahan ng COVID-19.

Base sa pag-aaral ay sinabi ni Moreno na kapag nabakunahan ka na first dose ay nasa magandang posisyon ka na at mas lalo pang magagarantiyahan ang iyong proteksyon laban sa coronavirus kapag nakatanggap ka pa ng se­cond dose. VERLIN RUIZ

70 thoughts on “1.4M BAKUNA NAITUROK NA SA MAYNILA”

Comments are closed.