1-M DISTANCE SA BUSINESS ESTABLISHMENTS TULOY PA RIN –DTI

1 METER

NILINAW ng Department of Trade and Industry (DTI) na tuloy pa rin ang 1-metrong physical distancing sa mga business establishment.

Ito ay makaraang magpatupad ng reduced physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, walang pagbabago sa ipinatutupad na physical distan­cing sa mga establisimiyento hindi tulad sa mga public transportation na ginagawa ito upang madagdagan ang kapasidad.

Binigyang-diin din sa joint advisory ng DTI at Department of Labor and Employment (DOLE) ang paglalagay ng isolation room sa mga establisimiyento kung saan mayroon dapat na isang kuwarto para sa kada empleyado sa isang shift. DWIZ 882

Comments are closed.