NAKABALIK na sa bansa ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) bitbit ang mga biniling medical supplies sa Fujian, China.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata alas-4:00 ng hapon dumating sa Villamor Airbase ang C-130 sakay ang 20,000 personal Protective equipment na aabot sa halagang P30 milyon.
Tuloy naman ang air operations ng PAF bilang suporta sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19.
Samantala, noong nakalipas na Sabado naman nakarating na sa Xiamen China ang isa sa barko ng Philippine Navy na BRP Bacolod City.
Sila naman ang magbitbit ng 23,385 boxes ng mga personal protective equipment na inaasahang makakabalik sa bansa sa susunod na buwan.
Umalis sila sa Pilipinas noong pang April 21, 2020. REA SARMIENTO
Comments are closed.