ISA ang patay samantalang apat ang sugatan nang aksidenteng bumagsak ang steel girder ng Skyway extension project sa Barangay Cupang, Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Sa pahayag ng EEI Corp., contractor ng nasabing proyekto, ang insidente ay naganap dakong alas-8:50 ng umaga sa may East Service Road, Barangay Cupang, Muntinlupa City.
Sinabi ng naturang contractor na habang inaayos ang crane ay bigla itong tumagilid at bumagsak sa girder na tumama sa dalawang poste ng north-bound Skyway extension project.
Dahil dito, bumigay ang girder at bumagsak sa pitong sasakyan na ikinasawi ng isa at apat naman ang nasugatan.
Kinilala ang nasawi na si Paquibot Edison Visaga habang nagmamaneho ng kanyang Yamaha Mio Soul motorcycle na hindi na umabot ng buhay nang isugod sa Alabang Medical Clinic sa Alabang, Muntinlupa City.
Malubhang nasugatan naman ang dalawang biktimang na nakilalang sina Angelito Manalo,30-anyos, nakatira sa San Miguel, Pasig at John Paul Gonzales,27-anyos at nakatira sa San Pedro, Laguna.
Ayon sa EEI ay kasalukuyan minomonitor ang kalagayan ng dalawang biktima sa Asian Hospital.
“We deeply regret this unfortunate accident and assure a full and thorough investigation. Our thoughts and concern are with the victims and we will make sure they will get all the help in they need. Their welfare is our priority,.” pahayag ng EE.
“Our hearts and prayers go with the affected families. This is an unfortunate and heart-breaking accident that must not happen again. We will review immediately our safety and operating protocols as we build a strategic infrastructure for the public’s convenience,” dagdag pa nito.
Kaagad din na kumilos ang mga miyembro ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (MCDDRM) para tumulong sa naturang insidente.
Iniulat ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) na anim na sasakyan ang nabagsakan ng naturang steel girder kabilang ang isang taxi, L300 van, SUV at tatlong motorsiklo.
Isinara naman ng MTMB ang northbound at southbound lanes ng East Service Road mula Alabang papuntang Sucat sa trapik. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.