10 BAGAY PARA MAGTAGUMPAY SA NEGOSYO MULA KAY JACK MA

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Ikaw ba ay nagdesisyong magnegosyo kamakailan lamang? Lalo na kung napilitan kang pumasok sa pagnenegosyo dahil na rin nawalan ka ng trabaho ngayong panahon ng pandemya. ‘Di ka nag-iisa, kaibigan. Marami ang tulad mo. Marami ang naghahangad na makaungos sa pandemyang ito at magtagumpay sa kung ano man ang pinasok na negosyo. Walang may alam ng pormula na kinakailangan. Ang mayroon lang tayo ay ang mga aral mula sa nakaraan. Kailangan lang nating balikan ang mga ito at matuto. May mga tao ring maaari nating pag-aralan ang kanilang pinagdaanan. Isa rito si Jack Ma, ang bilyonaryong nagtayo ng Alibaba at ng Ant Financial Group.

Dating English teacher si Jack Ma at naging interpreter sa Amerika  noong kabataan niya. Sa isa sa mga pagbisita sa Amerika, nagka-interes siyang magtayo ng isang negosyo. Kaya pagbalik niya sa Tsina, itinayo niya ang Alibaba na naging pinakamalaking e-commerce na kompanya sa mundo.Nakalikom ito ng mahigit $25 bilyong dolyar noong nag- IPO ito, na isang pagbabalik niya noon sa  Amerika – na isang ganap na bilyonaryo na! Nagretiro si Ma noong 2019 mula sa Alibaba at nagpokus sa Ant Financial. ‘Di natuloy noong 2020 ang IPO nito at tila naglaho si Ma sa publiko. Sabi nila, biglang inalis si Ma ng mga Tsino, diumano. Nawala siya sa paningin ng maraming tao. Ano man ang dahilan, ‘di maipagkakaila ang kanyang mga inihabilin na aral sa mga taong nais sumunod sa yapak niya. Ang mga susunod na gagawin mo ay siyang magsasabi kung magtatagumpay ka o hindi. Tara na at matuto mula kay Jack Ma!

#1 ‘Di pa huli na magnegosyo ano man ang edad mo

Alam ninyo bang 40-anyos na si Jack Ma nang maisip niya na kaya niyang magnegosyo? Sabi niya, marami na siyang nasubukan sa buhay niya ngunit sa pagtatayo lang ng negosyo siya nagtagumpay. Oo nga naman. Nag-apply siya sa mga fastfood chain dati at ‘di natanggap. Nag-apply siya na maging pulis, ‘di rin siya natanggap. Marami pa raw siyang ninais gawin ngunit sa pagnenegosyo lang siya nagtagumpay. Kaya ikaw, ano man ang edad mo, puwede ka pa!

#2 Kailangang pagkatiwalaan ka ng mga tao

Sa isang interbyu sa kanya, sabi ni Ma na kailangang pagkatiwalaan ka ng mga tao mula sa mga empleyado hanggang sa mga partner mo. Sabi ni Ma, 18 investors ang nagtiwala sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa Alibaba.  Iyon ang naging susi niya sa tagumpay. Ang pagtitiwala raw ng mga tao sa kanya ang naging rason upang maging buo sila sa Alibaba. Ang dati niyang executive assistant ay pinagkatiwalaan si Ma na lalaki ang halaga ng shares na kanyang nakuha bilang empleyado. Nagtiwala siya. At noong nag- IPO, naging milyonaryo siya agad dahil sa tiwalang ibinahagi niya kay Ma.

#3 Humanap ng mga taong mas magaling sa ‘yo

Sabi ni Ma, dahil alam niya na mahalaga ang magiging papel ng teknolohiya sa pagtayo niya ng Alibaba, kumuha siya ng mga taong magaling sa teknolohiya. Alam niya rin kasi na wala siyang alam sa bagay na ito. Ang resulta ay ang mismong pamamayagpag ng Alibaba dahil na rin sa teknolohiyang mayroon ito.

#4 Maging bukas sa lahat ng oportunidad

Ayon kay Ma, ang pagpatol sa lahat ng oportunidad – malaki man o maliit – ang naging susi sa galing ng kanyang team namagsuri ng mga tamang oportunidad. Sabi ni Ma, kailangang ikonsidera ang lahat ng anggulo ng negosyo mo kasama ng lahat ng oportunidad na dumarating. Kahit saan ka man makarating, hanapin mo ang oportunidad na iyon.

#5 Laliman ang pang-unawa

Si Jack Ma ay nakapag-establisa ng organisasyon na higit 1,000 ang empleyado sa buong mundo sa loob lamang ng maikling panahon. Para sa kanya, ang susi ng isang lider ay ang paghugot sa malalim na pang-unawa sa lahat ng klaseng tao, mapa-ehekutibo man o hindi. Para kay Ma, ang pang-unawa sa iyong negosyo at produkto ay isang mahalagang bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin bilang isang negosyante. Dahil kung malalim ang pang-unawa mo, ibig sabihin ay nakapagsaliksik ka nang mabuti at nag-iisip bago gumalaw ang magsalita.

#6 Gumalaw nang mabilis

Dahil malalim na ang pang-unawa mo at nai-praktis mo na ang kasanayang ito, mas mabilis ka nang makapagdedesisyon at umaksyon. Ito, ayon kay Ma, ay kasama ang pagbangon kapag may pagkakamali kang nagawa. Huwag mo raw patatagalin ang pagtayo dahil ang oportunidad ay nasa harapan mo lamang.  Matuto sa ekspiriyensya at tuloy mo lang ang pokus sa negosyo.

#7 Maging matapang

Noong nagsisimula pa lamang si Ma, marami na siyang kalaban sa larangan ng ecommerce. Marami ang nagsabi sa kanya na ‘di raw niya kayang lampasan ang mga nauna sa kanya at ‘di siya magtatagumpay. Ayon kay Ma, ‘di mo dapat isasapuso ang mga tutol sa pangarap mo, bagkus ay lalong maging matapang na suungin ang hamon. Dagdag pa ni Ma, kung lalagyan mo ng tibay ng loob at pokus sa pagbangon tuwing nalulugmok, magtatagumpay ka.

#8 Huwag pagtuunan ang pagyaman

Sabi ni Jack Ma, huwag kang gagawa ng negosyo dahil nais mo lang yumaman. Oo, kailangang kumita upang umikot ang puhunan at lumago ang negosyo.  Ngunit ang pagyaman daw o pag-unlad ng negosyo mo ay matatamo naman kung mas nakatuon ang pansin mo sa lahat ng bagay na magpapaganda ng produkto o serbisyo.

#9 Kumuha ng mga taong mas magaling sa iyo

Ang pagkuha ng mga tao sa negosyo – ehekutibo man o hindi – ay malaki ang halaga sa  pag-unlad ng negosyo. Dahil nga English teacher si Ma, marami siyang kakulangan sa larangan ng ecommerce. Kaya naman kumuha siya ng mga taong magagaling. Para sa kanya, huwag mong isipin na habambuhay ka sa puwesto mo. Kailangan daw kasing maisalin ang pagiging lider  upang humaba ang panahon nitong mabubuhay.

#10 Mabuhay ‘di para sa negosyo

Sa lahat ng mga aral mula kay Jack Ma, ito ang pinakamahalaga. Ang buhay ay maiksi kaya dapat ine-enjoy ang kinita sanegosyo. Para sa kanya, mas mahalagang gamitin ang oras na kasama ang mga mahal mo sa buhay at ang pagtuon sa mga bagay na magpapaunlad ng buhay ng iba.

Konklusyon

Bilang isang entrepreneur, kailangan ang pagiging masinop at matiyaga sa lahat ng bagay. Ipagpatuloy ang pag-hustle at huwag titigil sa pokus mo.Ang mga teknolohiya at digital tools ay nakahain na. Gamitin lang ang mga ito at patuloy kang mag-aral upang ‘di ka mapag-iwanan. Sa lahat ng bagay, magtiwala sa Diyos.

vvv

Si Homer ay isang technopreneur. Makokontak siya sa pamamagitan ng email na [email protected].

67 thoughts on “10 BAGAY PARA MAGTAGUMPAY SA NEGOSYO MULA KAY JACK MA”

  1. 712976 631366I genuinely enjoy your web site, but Im having a difficulty: any time I load 1 of your post in Firefox, the center with the web page is screwed up – which is bizarre. May I send you a screenshot? In any event, maintain up the superior work; I undoubtedly like reading you. 296735

  2. 749419 805385Thanks for providing such a fantastic article, it was superb and really informative. Its my first time that I check out here. I identified plenty of informative stuff within your article. Keep it up. Thank you. 324149

Comments are closed.