PINALAYAS ng Bureau of Immigration (BI) ang sampung dayuhan na nakakulong sa detention center sa Taguig City upang lumuwag ang kanilang pasilidad sa Camp Bagong Diwa
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, maliban sa decongestion, pinoprotektahan din nito ang kalusugan ng kanyang mga jail warden sa COVID-19.
Sinabi pa ni Morente, ipagpapatuloy niya ang pagpapauwi sa mga dayuhan na walang pending cases partikular ang may mga deportation order.
Gayundin, ipinag-utos nito sa mga tauhan sa legal division na bilisan ang resolusyon sa deportation cases ng mga foreigner upang makauwi na ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Nauna nang pinabalik ng BI sa China ang pitong puganteng Chinese national upang kaharapin ang kasong kinasangkutan.
Bukod sa deportation, hindi na maaring makabalik sa bansa ang mga nasabing dayuhan dahil nasa black-listed na sila. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.