PALAWAN – SAMPUNG dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isinasailalim sa training course para sa organic agriculture production sa lalawigang ito na bahagi ng amnesty ng Local Social Integration Program (LSIP) at ng pagpapatuloy ng pagtatanim sa bansa.
Sinabi ni Lucita Padul, social welfare officer III ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)-Palawan, ang training sa Organic Agriculture Production (OAP) NCII ay gaganapin sa Hulyo 12 hanggang 21.
Layunin nito na matulungan ang dating mga rebelde na magkaroon ng kaalaman sa pagtananim at magamit nila ito para sa paghahanapbuhay.
“Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang ibang ahensiya ng pamahalaan ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga nagbalik-loob sa pamahalaan o rebel returnees sa pamamagitan ng LSIP na ipinapatupad sa ilalim ng PSWDO, “The provincial government, in close cooperation with other agencies, is continuously supporting the return of former rebels through the LSIP that is implemented under the PSWDO,” ayon kay Padul.
Bukod sa pagtatanim ay tuturuan din ng pag-aalaga ng mga manok at iba pang farm animal at pagtatanim ng gulay ang dating mga rebelde, gayundin ang paggawa ng organic supplements, gaya ng fertilizer, concoctions, at iba pa.
Ang training sa organic farming ay may koordinasyon din sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). EUNICE C.
Comments are closed.