MATAPOS ang 21-araw makaraan madiskubreng may 249 COVID-19 positive cases sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA), kinumpirma naman kahapon ang one hundred percent recoveries ng 236 cadets at 13 personnel mula sa nakamamatay na virus.
Subalit, lumabas naman na positibo sa COVID-19 ang 43 closed contacts ng mga naunang confirmed cases matapos ang second wave ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RTPCR) na ginawa sa may 1,451 cadets and personnel sa loob ng academy nitong Setyembre 28.
Agad naman nilinaw ni PNPA Superintendent P/Maj Gen. Gilberto Dc Cruz, titiyakin nito ang prayoridad sa kalusugan at paggaling ng mga nahawang indibidwal.
Napag alaman din na may apat sa 38 na bagong talagang personnel sa academy ang nakumpirmang positibo sa COVID-19 bago pa sila nag-assume ng kanilang bagong assignment .
Gayundin, nakipag ugnayan na ang PNPA administration sa Local Government Units (LGUs) na may sakop sa mga COVID-19 positive personnel para matiyak ang kaukulang aksiyon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.