PASAY CITY – MAHIGIT 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs) ang dumating sa bansa mula sa Damman, Kingdom of Saudi Arabia kahapon.
Kabuuang 109 OFWs ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga sakay ng Philippine Airlines flight 683.
“The workers were repatriated in line with the promise of Labor Secretary Silvestre H. Bello III to bring home as many distressed OFWs from financially strapped Saudi companies before Christmas,” anang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Nabatid na pinagkalooban ng Repatriation team ng OWWA ng transportation assistance, kabilang ang temporary shelter sa kanilang pag-uwi.
Sinabi ng OWWA na marami sa OFWs ang nagdesisyong umuwi na sa bansa dahil sa paglabag sa kontrata ng kanilang Saudi employers, gaya ng ‘di pagbabayad ng kanilang suweldo at mga benepisyo, pagkaantala ng suweldo, kawalan ng vacation leaves at pagkabigo na makakuha ng final exit visa.
Tumanggap din naman ang mga OFW ng special financial cash assistance habang naghihintay na makauwi sa bansa.
Pinagkalooban din sila ng cash assistance at livelihood package bago sila umuwi sa kani-kanilang lala-wigan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.