100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS NABAKUNAHAN NA

UMABOT na sa 100 medical workers ng Navotas City Hospital nitong Biyernes ang unang nakatanggap ng bakuna ng CoronaVac sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.

Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.

“Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na ang ilan sa aming mga frontliner ay natanggap na ang kanilang shot. Dahil dumarami ang mga kaso sa amin, inaasahan naming maglaan at magpadala ng maraming mga bakuna sa Navotas ang national government,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Bumili kami ng 100,000 dosis ng bakunang AstraZeneca, na inaasahang darating sa second half ng 2021. Habang hinihintay namin ang aming order, inaasahan naming makakatanggap kami ng higit pang mga bakuna mula sa pambansang pamahalaan upang maprotektahan ang aming halos 800 medical frontliner,” dagdag nito.

“Hindi namin nais ulitin ang aming karanasan noong nakaraang taon nang kinailangan naming isara ang aming mga pasilidad dahil ilan sa aming mga frontliner ay nagkasakit ng virus. Iyon ang dahilan kung bakit masidhing nagtataguyod kami para sa bakuna, ngunit iginagalang din namin ang mga nais maghintay ng ibang brand na dumating,” sinabi pa niya.

Ang Navotas City Health Department ay may 799 employees, 353 dito ang nagtatrabaho sa NCH.

Nauna rito, inihayag ng Navotas na balak nitong bumili ng mga bakuna mula sa Pfizer at Moderna, dalawang iba pang manufactures na pinakagusto ng Navoteños alinsunod sa informal survey ng lungsod noong Disyembre. EVELYN GARCIA

2 thoughts on “100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS NABAKUNAHAN NA”

  1. 131598 684610Extremely properly written story. It is going to be valuable to anyone who usess it, including yours truly . Keep up the very good function – canr wait to read more posts. 236015

Comments are closed.