100 MENOR HULI SA CURFEW

curfew

MAYNILA – KASUNOD nang pinaigting na operasyon ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila upang ipatupad ang ordinansa sa curfew, higit 100 menor ang inaresto at dinala sa presinto.

Ilan naman sa mga magulang ang kanya-kanyang sugod sa pre­sinto dahil sa pangambang makulong dahil ang ilan ay mga single parent at may mga ma­liliit pang mga anak na inaalagaan.

Kanya-kanyang dala rin ng mga patunay na anak nila ang mga binitbit ng pulisya tulad ng birth certificate at ID.

Kamakailan lamang ay nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang memorandum para sa bagong city ordinance na nagpapataw ng pe­nalty sa mga magulang na mahuhulihan ng anak sa oras ng curfew.

Kabilang sa mga parusang ipapataw sa mga magulang ng mga mahuhuling menor sa kalye sa pagpapatupad ng curfew ay ang pagbabayad ng kaukulang halaga at pagkakakulang na nababatay sa gulang ng kanilang mga nahu­ling anak.

Muli namang nagpaalala ang pulisya sa mga menor de edad na sumunod sa mandato ng pamahalaang lungsod upang hindi maaresto at makulong. Nakatakdang iturn over amg mga menor de edad sa Manila Socila Welfare and Developmemt. PAUL ROLDAN

Comments are closed.