100 OFWs BINIGYAN NG AMNESTIYA SA DUBAI NAKAUWI NA

OFWs-Dubai

PARAÑAQUE CITY – NAKAUWI na ng bansa ang mahigit 100 Filipinos na binigyan ng amnestiya ng pamahalaan ng Dubai.

Lunes ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyang eroplano ng mga OFW.

Sinabi ni Philippine Consul General Paul Raymund Cortes na marami pang Filipinos ang nabiyayaan ng amnestiya makaraang mag-overstaying o running away sa kanilang mga amo.

Maaaring ma-avail ang amnesty hanggang Oktubre 31.

Ang mga nakauwi noong Lunes ay pang-anim na batch mula ng ipatupad ang amnesty program para sa undocumented migrants.

Nasa 900 OFWs ang binigyan ng amnesty upang makauwi sa Filipinas.

Ang mga repatriated OFWs na nakauwi na ay binigyan ng P5,000  bilang relief assistance kapag dumating na sa bansa.

Habang ang mga active member  ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay may tsansa rin na mag-apply for livelihood assistance up to P20,000.  EUNICE C.

Comments are closed.