1,000 OFWs KAILANGAN SA CZECH REPUBLIC

MAKATI CITY – NILAGDAAN na ang kasunduan ng Pilipinas at Czech Republic kaugnay sa pagkuha ng 1,000 overseas Filipino worker (OFW) na kailangan sa ilang kompanya sa Prague.

Ayon kay Philippine Embassy Charge d’affaires Jed Dayang,  kailangan ng kompaniya sa Prague na may kinalaman sa automotive, electronics at manufacturing.

Dagdag pa ni Dayang, napagkasunduan din sa pakikipagpulong ng mga kinatawan ng embahada at mga recruitment partner sa naturang bansa na isulong ang tinatawag na “ethical recruitment”.

Layunin nito ay upang maging maayos ang trabaho ng mga Filipino at maiwasan ang  malamangan ang mga OFW ng mga kompaniyang kukuha sa kanila.

Sa record, noon pang Pebrero nang buksan ng Czech Republic ang oportunidad para mag-alok ng trabaho sa mga Pinoy.

Ang pagkuha ng OFW ng Czech Republic ay isang senyales na lumalago ang kanilang  ekonomiya at may malaki silang tiwala sa kakayahan at kasipagan ng mga Pilipino.   PMRT

Comments are closed.