100K PASAWAY NA EMPLOYERS

SSS-1

NANAWAGAN ang Social Security System (SSS) sa mahigit 100,000 pasaway na employers na samantalahin ang iniaalok na Contribution Penalty Condonation Program ng ahensiya.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio,  may  hanggang September 6 na lamang ang mga delinquent private employer para mag-avail ng kanilang condonation program.

Sa ilalim ng programa ay hindi na sisingilin ng SSS ng penalty ang mga employer na hindi nagbayad para sa kanilang mga empleyado, sa halip ay  pagbabayarin na lamang ng  unpaid premiums base sa condonation program na inilatag ng ahensiya.

Ani Ignacio, hanggang Hulyo 2019, umabot na sa P795 milyon na unpaid premiums ang nakolek­ta ng SSS mula sa 31,000 employers o katumbas ng 307,000 na empleyado.

Nabatid na dahil sa nasabing programa ay tinatayang nasa  P1.67 bilyong halaga ng penalties ang na-condone o binalewala ng SSS.

Subalit nasa 70 percent pa na mga delinquent employer ang hindi pa nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga emplayado kaya muling naglabas ng panawagan ang SSS na samantalahin ang nasabing programa.          VERLIN RUIZ

Comments are closed.