100K TRABAHO ALOK NG JAPAN SA MGA PINOY

HINDI bababa sa 100,000 trabaho ang maaaring pasukan ng mga Pinoy sa Japan.

Sa report ng GMA News Online, sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na ang mga bukas na trabaho ay nasa larangan ng health care, outsourcing, tourism, at information technology.

Aniya, mas gusto ng Japanese employers ang mga Pilipino dahil sa kanilang kasipagan at dedikasyon.

Ayon pa sa report, ang mga trabaho sa Japan ay may mataas na sahod at maayos na working environment.