100K TRABAHO INIALOK SA JOBS FAIR

USEC-Jacinto-Paras

MAHIGIT sa 100,000 trabaho ang inialok ng Department of Labor (DOLE) sa jobs fair na isinagawa sa mahigit 20 mga lugar sa bansa sa pagdiriwang ng ika-120 taong Araw ng Kalayaan

Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Paras, sa Metro Manila pa lamang ay 53 employers na ang lumahok para magbigay ng trabaho.

Mahigit sa 60,000 sa mga alok na trabaho ay sa lokal, mahigit sa 50,000 ang sa abroad at mahigit sa 7,000 sa military service.

Kabilang sa mga lugar  na pinagdausan ng jobs fair, maliban sa Luneta ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Western Visayas, Zambonga Peninsula at iba pa.

Sinabi ni Paras na ang jobs fair ngayong Independence Day ay bahagi ng TNK o trabaho, negosyo at kabuhayan project ng DOLE.

“Hindi po ito trabaho lamang, ito po ay partnership po ng Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry, ang tawag po natin dito ay TNK: trabaho, negosyo, kabuhayan. Sa DTI may mga ibinibigay silang entrepreneurial advice sa mga small businesses,” pahayag ni Paras.  DWIZ882

Comments are closed.