100K TRABAHO SA TURISMO NALIKHA NOONG 2017

PSA

LUMIKHA ang tourism industry ng bansa ng may 100,000 trabaho noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng Philippine Tourism Satellite Accounts (PTSA), may 5.3 million Filipinos ang nabigyan ng trabaho sa sektor noong 2017, mas mataas ng 0.9 percent sa 5.2 million na naitala noong 2016.

Gayunman, ito ang unang pagkakataon na ang paglago sa sektor ng turismo ay mas mababa sa 1 percent magmula noong 2001. Bago ang 2017, ang pinakamabagal na paglago ng employment sa industriya ay 1.9 percent noong 2005 habang ang pinakamabilis ay 10 percent noong 2006.

“Share of employment in tourism industries to total employment in the country was recorded at 13.1 percent in 2017,” pahayag ng PSA.

Ang tourism sub-sectors na nagposte ng pinakamataas na kontribusyon sa employment ay passenger transport and accommodation at food and beverage na kumakatawan sa 1.2 million at 1.7 million workers, ayon sa pagkakasunod.

May 35,000 trabaho lamang sa travel agents, tour operators at tourism guides, na pinakamaliit na sapi sa total tourism jobs.     CAI ORDINARIO

Comments are closed.