KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mangunguna ang Pilipinas sa coconut export kasunod ng pagtiyak ng kanyang suporta sa planong pagtatanim ng 100 million coconut trees.
Sa kanyang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) sa Malacañang, tinalakay ng Pangulo ang development sa coconut industry at iba pang agricultural products.
Inirekomenda naman ni PSAC Agricultural Sector Group Member Christopher Po ng Century Pacific Group na paigtingin ang massive coconut tree planting program sa pamamagitan ng pagdaragdag ng seednut production.
Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na magkakaroon ng sapat na pondo ang PCA upang maisakatuparan ang programa.
“This is really a great opportunity to the country. We have a chance to do it because [of] the market. Every single part of the nut [has] use and can be sold,” dagdag ng Pangulo.
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking coconut exporting country sa mundo na sumunod sa Indonesia.
Gayunman, ang advisory body ay nagbigay ng maraming rekomendasyon para remedyuhan ang problema.
Kabilang sa nakikitang solusyon ay bumalangkas ang PCA ng roadmap upang mapabilis ang paglulunsad ng coconut planting program.
Isa pang hakbang ay ang pumasok ang PCA sa contract farming sa local salt farmers para makapagsuplay ng asin bilang fertilizer na alinsunod sa rekomendasyon ng PSAC sa salt development na Republic Act No. 11985 o ang Philippine Salt Industry Act.
EVELYN QUIROZ