MAGANDANG balita sa mahigit 30,000 guro na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Marso.
Nangangailangan ang gobyerno ng 10,000 public teachers ngayong naaprubahan na ang 2019 national budget at kasalukyan na ring itinatayo ang nasa 80,000 bagong silid aralan.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na layunin ng pagdaragdag ng mga guro na pababain ang bilang ng mga estudyante kada klase, 45 sa grade school level at 25 estudyante naman sa kindergarten.
May 9,659 elementary teachers at 22,271 secondary teachers ang pumasa sa LET noong Marso 24.
Nasa 27.28% ng 72,054 kabuuang elementary teachers ang tanging pumasa sa LET habang 25.95% ng 85,823 examinees naman sa secondary teachers. ELMA MORALES
Comments are closed.