Maayos at matibay raw ang relasyong Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil priority nila Ang isa’t isa. Gusto raw nilang ipakita sa kanilang mga anak kung ano ang tunay na ibig sabihin ng love, kaya ibobongga nila ang celebration of love ng kanilang 10th wedding anniversary.
Ikinasal Ang Kapuso Royal couple noong December 30, 2014 sa Cubao Cathedral sa Quezon City, at ang grand reception naman ay sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Ngayong 10 years na silang kasal, mayroon raw silang small gathering Kasama ang pamilya at mga kaibigan para ipagdiwang Ang okasyon.
“Very simple with family,” Ani Marian na ayaw magbigay ng detalye, pero nagpahaging ng posibilidad ng renewal of vows.
“Yung asawa ko yung nagpaplano. Medyo sentimental naman talaga yung asawa ko,” aniya.
“Ako kasi, the mere fact na magkasama kaming dalawa, maayos ang relasyon namin, maayos yung mga anak namin, okay na ako.”
Si Dingdong raw talaga ang gustong i-celebrate ang 10th wedding anniversary nila, dahil sampung taon raw silang binibiyayaan ng Panginoon. Kaya pumayag na rin si Marian.
Sa 10 years daw ng kanilang pagsasama, naratag na takaga sila at Hindi na gaanong nagtatalo.
“Siguro, pag tumatanda ka na, nababawasan yung mga issues niyo. At iba yung nagiging priority niyo,” sabi pa ng Kapuso actress.
“Minsan, corny, hindi nga kami nag-aaway. Arte-arte na lang ako parang kunwari may issue kami. Wala naman talaga. Kasi siguro, priority namin is mas mapagtibay pa yung pagmamahalan namin sa isa’t isa.”
For Marian, this harmonious relationship is one way of setting an example of true love for their kids, Zia and Sixto.