11 CHINESE HINARANG SA AIRPORT

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 11 Chinese national dahil sa hindi maipaliwanag ang layunin sa bansa.

Sa report na nakara­ting kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang 11 Chinese national ay dumating sa NAIA Terminal 1 noong Huwebes sakay ng China Southern Airlines mula sa People’s Republic of China (PROC).

Ayon sa mga tauhan ng BI travel control and enforcement unit, hinarang ang mga dayuhan sa immigration counter dahil sa mga pekeng exemption documents at temporary visitors visa na dala ng mga ito.

Nadiskubre ang pekeng mga dokumento matapos dumaan sa se­condary inspection ng mga kawani ng BI’s tra­vel control and enforcement unit (TCEU) dahil sa hindi magkakatugma ang kanilang mga sagot kaugnay sa business conference na dadaluhan sa Manila.

Agad pinasakay ang 11 Chinese national sa first available flight pabalik sa China kasabay sa pagkakalagay ng kanilang mga pangalan sa listahan ng immigration blacklist upang hindi na muli makabalik sa FROILAN MORALLOS

50 thoughts on “11 CHINESE HINARANG SA AIRPORT”

Comments are closed.