MAKATI CITY – TATLUMPU’T ISANG kababaihan kasama ang 20 banyaga ang nasagip sa pagsalakay ng awtoridad sa isang hinihinalang prostitution den sa lungsod na ito.
Isinagawa ang raid sa Guerrero St., Barangay Poblacion alas-10:50 ng gabi.
Iniulat ng pulisya na ang naturang hotel ay tatlong linggong binabantayan na naunang itinimbre na pinaghihinalaang ginagawang prostitution den.
Ang mga nasagip na babae ay 11 Filipina therapist, 18 Chinese, 1 Korean at isang Vietnamese.
Nadiskubre ng pulis na ginawang eksklusibo sa pambubugaw ang buong hotel at doon na nakatira ang mga babae at napapasok ng customer ang lugar sa pamamagitan ng WeChat na ang link ay nasa mga pinamimigay na lighter at business card. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.