11 SUGATAN SA SERYE NG ENCOUNTER SA SARANGANI

LABING-ISA katao ang sugatan sa magkasunod na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng NPA sa bulubunduking bahagi ng boundary ng Tboli, South Cotabato at Kiamba, Saranggani province.

Ito ang inihayag ni Col. Oriel Pangcog, commanding officer ng 601st Brigade Philippine Army.

Ayon kay Pangcog, siyam sa mga ito ay mga rebelde habang dalawa naman sa panig ng mga sundalo.

Inaalam naman sa ngayon ang unang naiulat na may 6 na namatay sa mga rebelde dahil wala pa umanong narekober na bangkay ng mga ito.

Patuloy ang hot pursuit operation sa grupo ni Kumander Yoyoy ng Guirella Front Musa ng NPA na siyang nakasagupa ng mga sundalo.

Samantala, agad naman umanong tinulungan ng LGU-Tboli ang mga pamilyang lumikas mula sa Barangay Tudok at Dlanag na natakot na madamay sa engkwentro.

Sa ngayon, ipinasiguro ng militar na walang mga sibilyan na madamay sa sagupaan.