MAGUINDANAO- KINASUHAN ng murder ng Philippine National Police (PNP) ang 11 katao na itinuturong suspek sa pamamaril sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.
Una nang inaresto ng mga pulis sa Cotabato City ang 11 na kabilang sa mga itinuturong suspek sa pamamaril sa pamilya ni Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na si Mayor Lester Sinsuat noong Enero 2 na nakapagtago habang napatay naman ang kasama niyang pulis.
Nangyari ang insidente sa gitna ng dayalogo kaugnay sa away ng dalawang pamilya o rido.
Paglilinaw naman ni PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo na hindi pananambang ang naganap.
“I-clear lang natin dito hindi ito pananambang. ang nangyari while ongoing ‘yung pag-uusap ‘nung dalawang partido to resolve ‘yung kanilang mga family issues ay nagkaroon ng biglaang barilan.
Hinala ni Sinsuat na posibleng third party ang nasa likod ng pamamaril.
Samantala, duda ang alkalde na pinatakas ang isa sa mga suspek habang tiniyak ng PNP na walang whitewash sa kaso.
Katunayan nito, kinasuhan na rin ng obstruction of justice ang ilang pulis na rumesponde sa lugar.
“Hindi ito binigyan ng special treatment but ang nakikita natin was there any lapses on the part of the PNP personnel na rumesponde doon sa area that led to
the escape nitong isang sinasabing personality. So, nakita kasi siya mismo doon sa mga CCTV footage na nakuha ng CIDG na dapat kasama siya doon sa investigation at doon sa mga naaresto, how come he was able to elude at nakaalis doon sa lugar”,” ani Fajardo.
EUNICE CELARIO