RIZAL-SABAYANG nagsagawa ng operasyon laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad ang lahat ng Police Stations sa lalawigang ito sa pitong araw na Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).
Sa nasabing operasyon laban sa iligal na droga, 85 operasyon ang naisagawa na nagresulta ng pagkakaaresto sa 112 indibidwal at pagkaka kumpiska ng humigit kumulang sa 266.68 gramo ng shabu at 144.81 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1, 857.469.00.
Samantala, sa iligal na sugal naman 68 ang naaresto sa isinagawang 20 operasyon at pagkakakumpiska ng bet money na may kabuuang halaga na P10,024.00.
Sa kabilang banda, sa operasyon naman laban sa mga wanted na tao, 34 na most wanted person ang naaresto kung saan 6 ang tinaguriang kabilang sa regional level, 14 sa provincial level at 13 sa municipal level habang 37 ang kabilang sa other wanted person.
Sa pinaigting na kampanya naman laban sa loose firearms nagkaroon ng 3 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 suspek at pagkakakumpiska sa tatlong baril.
Ang pagkakaroon ng ganitong regular na kampanya laban sa ibat ibang iligal na gawain ay magreresulta ng isang ligtas, payapa at matiwasay na probinsuya para sa mga Rizalenos.
Ayon sa Pamunuan ng Rizal PNP patuloy magbibigay ng serbisyo publiko with team effort kalinga ng Rizal PNP. ELMA MORALES