CAVITE – UMAABOT sa 112 katao na lumabag sa Glgeneral community quarantine (GCQ) habang 12 drug pushers naman ang inaresto ng Cavite police sa inilatag na anti-criminality operations kahapon ng madaling araw.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na 12 tulak ang nalambat sa isinagawang 7 drug bust operations sa mga lugar sa Dasmarinas City, Bacoor City, bayan ng Alfonso, bayan ng Kawit at Imus City.
Narekober sa mga suspek ang 20 heat sealed transparent plastic sachets na shabu, 4 dried leaves, seeds at leafstalk ng marijuana.
Samantala, naitala naman ng pulisya na umabot sa 112 katao ang lumabag sa social distancing, walang face mask, no quarantine pass, liquor ban at paglabag sa curfew hours.
Nabatid na pinag-community services ang 20 lumabag sa GCQ habang ang 92 naman ay binalaan bago pinalaya.
Gayunpaman, ang 12 pushers ay isinailalim sa drug test at physical examination habang pina- chemical analysis naman ang nasamsam na shabu na gagamitin sa pagsasampa ng kasong kriminal sa Office of the Provincial Prosecutor. MHAR BASCO
Comments are closed.