UMAABOT na sa 11,484 ang kabuuang bilang ng mga health care workers sa bansa na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa pinakahuling COVID-19 Philippine Situationer ng Department of Health (DOH), nabatid na mula sa naturang kabuuang bilang ay aabot na sa 11,214 ang health care workers na nakarekober o gumaling na mula sa karamdaman.
Mayroon naman umanong 72 nagkasakit na health care workers ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa virus.
Sa ngayon, sinabi ng DOH na nasa 198 na lamang ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng health care workers.
Sa bilang na ito, 80 ang mild cases, 85 ang asymptomatic, 22 naman ang nasa severe condition habang 11 ang nasa kritikal na kondisyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.