UMAABOT na sa 11,297 ang bilang ng mga health care workers na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), simula noong Marso.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), lumilitaw na sa naturang bilang, 10,958 na ang nakarekober o tuluyang gumaling mula sa karamdaman.
Sa ngayon ay nasa 268 na lamang naman sa kanila ang itinuturing pang aktibong kaso ng sakit, o kasalukuyan pang nila-lapatan ng lunas.
Sa bilang na ito, 129 ang mild cases, 105 ang asymptomatic, 23 ang severe, at 11 ang kritikal.
Samantala, umabot naman sa 71 ang bilang ng mga health care workers na nasawi dahil sa virus. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.