120 PULIS  NASAMPAHAN NA NG KASO NG PNP-CITF

PULIS

CAMP CRAME – AABOT sa 120 pulis ang nasampahan na ng kaso ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force  (PNP-CITF) dahil sa pagkakasangkot sa mga katiwalian.

Batay sa datos ng PNP CITF,  82 na mga pulis ay isinailalim agad sa regular filing at walang nangyaring pag-aresto, siyam dito ay Police Commissioned Officer (PCO) at 73 ay Police Non Commissioned Officer (PNCO).

Habang 38 ay ina­resto muna bago si­nampahan ng kasong administratibo 12 rito ay PCO at 26 ay PNCO

Ang mga inaresto at nasampahan ng kasong administratibo ay mula sa 74 na pulis na inaresto ng PNP simula nang itatag ang PNP-CITF.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na sa kanyang pamumuno sa PNP ay paiigtingin niya ang internal cleansing.

Sa katunayan, simula nang maupo si General Albayalde, tatlong pulis na sangkot sa katiwalian ang naaresto ng PNP-CITF. R. SARMIENTO

Comments are closed.