CAMP CRAME – AABOT sa 120,000 pulis ang magsesekyur sa Brigada Eskuwela ngayong taon.
Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, magtatalaga ng police assistance desks sa iba’t ibang eskuwelahan sa pagsisimula ng Brigada Eskuwela ngayong araw ng Lunes.
Ito ay para aniya matiyak ang seguridad ng mga guro, estudyante, magulang at ibang grupo na makikiisa sa paglilinis ng mga paaralan.
Gayunman, hindi aniya kasama ang mga pulis sa paglilinis ngunit kung hihilingan ng school administrators ay maaari naman. AIMEE ANOC
Comments are closed.