$123-M LOAN PARA SA EDSA GREENWAY PROJECT APRUB SA ADB

EDSA GREENWAY PROJECT

INAPRUBAHAN na ng Asian Development Bank (ADB) ang $123 million na loan sa Filipinas para sa  elevated EDSA walkways project nito.

Ayon sa ADB, ang loan ay makatutulong sa pagtatayo ng pamahalaan ng “safe, wide, well-lit, at disaster-resilient elevated walkways” para sa mga pedestrian sa pinakamasikip na lugar sa Metro Manila.

“The EDSA Greenways Project will help the government construct 5 kilometers of covered walkways, which will be linked to mass transit stations along EDSA, namely the Balintawak, Cubao, Guadalupe, and Taft stations,” sabi ng ADB.

Ang walkways ay may lapad na 5 metro at magkakaroon ng elevators at monitoring systems para madali itong maging accessible sa mga pedestrian, kabilang ang matatanda, buntis, bata at mga may kapansanan.

“The EDSA Greenways Project is an integral part of the government’s transport strategy to make Metro Manila a better place to live, work, and visit,” sabi ni ADB Southeast Asia transport and communications director Hiroaki Yamaguchi.

“This project is an important part of our contribution to helping make that vision a reality for Filipinos,”  dagdag ni Yamaguchi.

Comments are closed.