124 TERORISTA NALAGAS SA ARMY

Gilbert Gapay

TAGUIG CITY – NASA 124 na miyembro ng mga teroristang grupo ang na neyutralisa ng Philippine Army sa mga engkuwentro kaugnay sa kanilang mga inilunsad na opensiba sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Binati ni Philippine Army, Lt. Gen. Gilbert ang kanyang mga field commander dahil sa kanilang “operational verve and outstanding performance of duty” sa pagtugon sa giyera kontra te­rorismo at digmaan laban sa CO­VID-19 pandemic.

Pinapurihan ni Gapay ang kanyang mga tauhan dahil sa ipinakita nilang accomplishments sa kampanyang laban sa mga te­roristang grupo sa gitna ng kinahaharap na hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

Katunayan, sa loob ng anim na buwan mula Enero hanggang Hulyo ay umaabot sa 279 Army initiated encounters ang kanilang naitala at umaabot sa 124 na tero­rista ang kanilang napaslang habang nasa 1,705 mga terorista ang sumuko sa pamahalaan.

Umaabot naman sa 95 naman ang naaresto, habang nasa  sa 422 samu’t saring armas na nabawi sa military operation.

Tampok sa command conference ng Hukbong Katihan ang pagkaka-ne­yutralisa sa siyam na highranking terrorist.

Partikular na binanggit ni Gapay sina Julius Giron, chairman ng Communist Party of Philippines Central Committee na napatay sa encounter  sa Baguio City; at pagkaka huli kay Anne Margarette Tauli, secretary ng Regional White Area Committee ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Dahil sa pagkamatay ni Giron, napilayan ang CPP at ang armadong galamay nitong New People’s Army dahil sa nilikhang “leadership vacuum.” VERLIN RUIZ

Comments are closed.