12K TRABAHO SA JOBS JOBS JOBS CARAVAN SA AUG 12

MAYNILA – HIGIT sa 12,000 trabaho ang maaaring aplayan ng mga job seeker sa iaalok ng Jobs Jobs Jobs Caravan na gaganapin sa Linggo, Agosto 12, 2018 sa SMX Convention Center, Pasay City, mula alas-8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na ang oportunidad sa trabaho ay para sa mga skilled worker, administrative staff, accounting,  Information Techno­logy (IT), gayundin para sa mga engineering professional.

Makikita ang mga trabaho sa Build Build Build Job Portal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nanawagan si Bello sa mga jobseeker na samantalahin ang oportunidad sa trabaho sa ilalim ng Job Caravan ng Build Build Build Program ng administrasyong Duterte.

Kasabay ng Jobs Jobs Jobs Caravan, sinabi ni Bureau of Local Employment Director Dominique Rubia-Tutay na magkakaroon din ng satellite on-site services ang SSS at iba pang ahensiya tulad ng Bureau of Internal Revenue (para sa tax identification number);  National Bureau of Investigation (para sa NBI clearance); Pag-Ibig (para sa Pag-ibig ID); National Statistics Office (para sa awtentikadong birth certificate), para sa mga aplikanteng hindi pa nakakakuha ng mga nasabing kinakailangang dokumento.  PAUL ROLDAN

Comments are closed.