MAYNILA – Nagtala ang PhilJobNet ng 11,794 trabaho ngayong linggo, karamihan ay matatagpuan sa business process outsourcing (BPO), sales, food, at health sector. Ang PhilJobNet ay ang internet-based job and applicant matching system ng labor department.
Ang mga nasabing trabaho ay kumakatawan sa pangunahing 20 bakanteng posisyon sa PhilJobNet.
Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang publiko na gamitin ang pinalakas na serbisyo ng PhilJobnet para sa mabilis na paghahanap ng trabaho.
Sa ulat, sinabi ng Bureau of Local Employment na ang mga pangunahing bakanteng trabaho ay para sa posisyon na call center agent – 3,592; retail associate – 1,039; salesman – 724; service crew – 724; retail trade salesman – 655; customer service assistant – 619; cashier – 515; staff nurse – 486; sales clerk – 388; at car driver – 370.
Ang iba pang bakanteng posisyon ay household attendant – 347; public health nurse – 297; delivery driver – 292; market salesperson – 269; non-formal education teacher – 260; bagger – 253; waiter (general) – 251; driver (government) – 250; financial/accounts specialist – 248; at food server – 215.
Nakalista rin sa job portal ang mga gaganaping job fair para sa buwan ng Mayo. PAUL ROLDAN
Comments are closed.