AABOT sa 132 doctors at nurses ang nagsimula sa pagkuha ng kanilang online training upang mapaghandaan ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 virus sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang mga kumuha ng online training na doctors at nurses na magbibigay ng bakuna ay mahahati sa 22 grupo na itatalaga sa 22 lugar sa lungsod kung saan ang bawat grupo ay magkakaroon ng tig-6 na miyembro.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano, pinag-aaralan din ng lokal na pamahalaan ang pag-upa ng isang storage facility kung saan pansamantalang iimbak ang mga mabibiling COVID-19 vaccines.
Nauna nang pumirma sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan sa British drug manufacturer para makabili ng 275,000 doses ng AstraZeneca vaccines na gagamitin para sa mga residente ng lungsod partikular ang mga medical health workers, senior citizens gayundin ang mga vulnerable sector.MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.