CAVITE – NALAMBAT ang 132 violators ng general community quarantine (GCQ) at 31 drug couriers sa isinagawang magdamagang anti- criminality campaign sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Cavite kahapon ng madaling araw.
Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, aabot sa 31 drug dealers ang naaresto sa serye ng buy-bust operations ng Cavite Police at PDEA-4A kung saan narekober ang 65 plastic sachets na shabu at assorted drug paraphernalias
Samantala, nasakote rin ang 9 suspek sa kasong rape, paglabag sa PD 1602, RA 9262, RA 10591, qualified theft at most wanted person sa bayan ng Atimonan, Quezon habang 6 iba pa ang nalambat sa kasong theft; shoplifting at reckless Imprudence resulting to Homicide.
Gayundin, ang naarestong 132 ay lumabag naman sa kasong social distancing, curfew hours, liquor ban, no face mask, at no quarantine pass kung saan pinag- community service at pinagmulta ang mga ito sa ilalim ng GCQ.
Dinala naman sa police stations ang mga suspek na may kasong kriminal para sa inquest proceeding para sa pagsasampa ng kaso sa Office of the Provincial Prosecutor. MHAR BASCO
Comments are closed.