NADAGDAGAN ng mahigit 1,200 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH hanggang Hulyo 10 ay umabot na sa 52,914 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa matapos na madagdagan ng 1,233 pa.
Sa nasabing bilang, 848 ang “fresh cases” habang 385 naman ang “late cases.”
Malaking bilang ng “fresh cases” o 405 ay sa Metro Manila, 30 ang mula sa Region 7 at 413 sa iba pang rehiyon.
Araw ng Huwebes nang walang maitalang nasawi, subalit kahapon, araw ng Biyernes ay 42 naman ang nadagdag sa bilang ng COVID-19 deaths.
Dahil dito ay umakyat sa 1,360 na ang COVID-19 related deaths sa bansa habang mayroong 286 pa ang gumaling sa sakit kaya umakyat na sa 13,230 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Comments are closed.