UMABOT na sa mahigit 200,000 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, habang nadagdagan at umakyat na rin sa mahigit 133,000 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa karamdaman.
Batay sa case bulletin #165 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00PM ng Agosto 26 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 5,277 bagong kaso ng sakit sanhi upang umabot na sa 202,361 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infections sa bansa.
As of 4PM today, August 26, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 202,361,” anang DOH. “A total of 5,277 confirmed cases are reported based on the total tests done by 95 out of 109 current operational labs.”
Sa naturang kabuuang bilang, 65,764 pa ang aktibong kaso, 91.6% ang mild cases, 6.3% ang asymptomatic; 0.9% ang severe at 1.3% ang critical.
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 3,157; sumunod ang Laguna na may 403 new cases; Negros Occidental na may 304 bagong kaso; Rizal na may 237 naman at Cavite na may 228 bagong kaso.
“Note: Of the 5,277 reported cases today, 4,350 (82%) occurred within the recent 14 days (August 13 – August 26, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (2,616 or 60%), Region 4A (868 or 20%) and Region 6 (220 or 5%),” anang DOH.
Ang magandang balita naman, nadagdagan din ng 1,131 pa ang mga pasyenteng gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa kabuuang 133,460 ang CoVID-19 recoveries sa bansa.
“DOH likewise announces 1,131 recoveries. This brings the total number of recoveries to 133,460,” anang DOH.
Samantala, may 99 pasyente pa ang binawian ng buhay dahil sa virus kaya’t umabot na sa 3,137 ang COVID-19 death toll sa Filipinas.
Sa naturang bilang, 77 ang iniulat na binawian ng buhay ngayong Agosto; 18 noong Hunyo; tatlo noong Hunyo at isa noong Mayo.
Ang mga namatay ay naitala sa NCR, na nasa 61; Region 4A na nasa 14; Region 3 na nasa 12; Region 7 na nasa anim; Region 6 na may dalawa habang tig-isa naman ang namatay sa Region 2; Region 10 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, mayroon namang 80 duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count. Sa naturang bilang, 58 na recovered cases ang inalis.
Mayroon din siyam na kaso ang dating naiulat na nakarekober mula sa sakit ngunit sa balidasyon ay natuklasang binawian pala ng buhay. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.