CAMP PANTALEON GARCIA – UMAABOT sa 128 violators ng general community quarantine (GCQ) at 14 drug couriers ang nalambat ng mga Cavite police sa isinagawang anti-criminality campaign kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, 80 katao ang lumabag sa curfew hours habang 20 naman ang violators sa physical distancing.
Gayundin, isa naman ang nalambat na umiinom ng alak sa gilid ng kalsada habang 27 violators na walang face masks.
Nasakote rin ang walong sugarol na naaktuhan sa binguhan at Tong-its’ sa Cavite City kung saan nasamsam ang mga bingo paraphernalia, cards at iba’ t ibang denomination na gamit sa sugal.
Samantala, nasakote naman ang 14 drug couriers sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa Bacoor City, Trece Martirez City, Cavite City at sa bayan ng Maragondon.
Nasamsam sa mga drug couriers ang 22.76 gramo na shabu na may street value na P154,768.00.
Nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya sa paglabag sa GCQ at illegal drugs sa lalawigan ng Cavite. MHAR BASCO
Comments are closed.