NASA 136,000 katao ang kakailanganin ng bansa upang maisagawa ang mabilis na contact tracing para sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Finance Undersecretary at acting National Economic Development Authority (NEDA) director-general Karl Kendrick Chua sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa COVID-19 updates.
Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa P11.7 billion na pondo ang kakailanganin para maisakatuparan ang mabilis na contact tracing.
Ito, aniya, ay kung susuwelduhan ng P30,000 kada buwan ang mga kukuning contact tracers.
Sinabi ni Chua na may nailatag nang wage subsidy proposal ang NEDA para maging bahagi ng cash-for-work program ang mga iha-hire na contact tracers.
Comments are closed.