MANDALUYONG-MAHIGIT 13,000 Pinoy indigent ang nakinabang sa nasa P122 milyong halaga ng iba’t ibang medical assistance na inaprubahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa buong bansa, nitong dalawang huling linggo lamang ng Abril.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, inaprubahan nila ang kabuuang P122.654 milyong medical assistance para sa confine-ment, chemotherapy, dialysis, hemophilia at post-operative medicines, para sa may 13,236 Pinoy indigent sa buong bansa, sa ilalim ng Medical Access Program (MAP).
Aniya, mula sa P122.654 milyong aprubadong assistance, nasa P113,236,328.95 ang mula sa iba’t ibang tanggapan ng PCSO sa buong bansa para sa 12,445 pasyente habang P9,417,575.88 ang inaprubahan para sa 791 pasyente sa pamamagitan ng iba’t ibang pagamutan, na may Malasakit Centers kung saan ay ka-partner din ang PCSO.
Mula aniya Abril 15-30, 2020, nang ipagpatuloy ng PCSO ang kanilang operasyon, nakapaglaan ang kanilang National Capital Region (NCR) ng kabuuang P12,046,480.00 para sa 887 pasyente, sa Southern Tagalog at Bicol Region (STBR) ay naglaan naman ng P21,562,835.93 para sa 2,442 mahihirap na pasyente, P31,744,092.00 naman ang inilaan ng Northern at Central Luzon para sa kanilang 3,591 mga beneficiar-ies, 2,793 mga recipients naman ang nabiyayaan mula sa P27,803,845.00 na inaprubahan ng Visayas Region habang P20,079,076.22 mula sa Mindanao Region na inilaan sa 2,732 na qualified individuals.
Kasabay nito, tiniyak pa ni Garma na sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay patuloy pa rin ang PCSO sa pa-ghahanap ng paraan para matulungan ang mga nangangailangang mga kababayan na kailangan ng ayuda para sa kanilang pagpapagamot.
“Rest assured that the Agency will find ways to meet the medical and health-related needs of all Filipinos especially the marginalized,” pa-hayag pa ni Garma.
“We are physically distant today, but we must come together to fight this invisible corona virus so that tomorrow we can stand close to each other again,” aniya pa.
Ani Garma, patuloy pa rin ang pagtanggap ng online application ng PCSO sa NCR para sa pagpoproseso ng mga medical assistance mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Kinakailangan lang aniya na magtungo sa website na www.pcso.gov.ph ang aplikante at magtungo sa E-Service at pindutin ang NCR online application. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.