13TH MONTH PAY MAAGANG NAIPAMAHAGI

MAAGANG naipamahagi ng Mandaluyong LGU ang 13th month pay para sa mga regular at casual employees ng nasabing lungsod.

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pagbigay ng 13th month pay para sa lahat ng mga regular at casual na empleyado nito pati na rin ang cash incentive para sa mga contractual at job order employee bilang maagang pamasko.

Inanunsiyo ito ni Mayor Ben Abalos sa kanyang lingguhang mensahe pagkatapos ng flag raising ceremony nitong Lunes na ikinatuwa naman ng lahat ng mga empleyado.

Ang mga job order at contractual na empleyado ng city hall naman ay makatatanggap din ng cash incentive katulad ng natanggap nila noong nakaraang taon at may dagdag mula sa alkalde.

“Dito sa Mandaluyong ay iisang pamilya tayo. And your city is striving very hard to make everyone in the family happy this coming Christmas.

Kaya’t ngayon pa lang ay nagsisimula na ang pamahalaang lungsod na maghanda ng regalo para sa Paskong ito,” dagdag ni Mayor Abalos. Elma Morales